Muling Ibalik?

ba’t biglang kinikilig uli ako sayo? eh matagal na akong nakamove on sayo, naging magkaibigan na nga lang tayo ngayon. pero bakit parang bumabalik ang dati kong nararamdaman? (baduy eh haha) pero di nga. tuwing magsisimba kami, ikaw ang lagi kong hinahanap. nung nagkita talaga tayo sa UPLB last week, grabe sabi nga sakin ng kaibigan ko “ang suplada mo.” kasi ayaw kitang tawagin, pero kaya lang ako ganun kasi sobrang tuwang tuwa ako at nakita kita, kaya rin nahiya akong tawagin ka, bigla ngang bumilis tibok ng puso ko nun eh. nung niretweet mo lang yung tweet ko kahapon, nagtatatalon na ako sa sobrang saya. bakit ganun? ikaw ba uli nagugustuhan ko?

pero hindi talaga pwede…nangako na ako sa isa ko pang kaibigan na hindi na ako babalik sayo kahit anong mangyari. at saka kaibigan kita, ayoko namang masira yun, yun na nga lang ang natatanging paraan ko para maging malapit sayo. pero ewan ko ba, tinatamaan talaga ako sayo eh hehe.

sabagay, sakin lang naman eh, wala namang ibang nakakaalam kundi ako kaya wala naman sigurong bawal dun 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s